Posts Tagged ‘bible verse

04
Sep
10

utang ng ina mo!

May tatlong babae nag uusap..

Girl 1: Hay… sana mag bayad na yung classmate ko sa utang nya …. 😦

Girl 2: Sana makasingil na ako sa mga pautang ko sa opisina..

Girl 3: Makapag tago na nga… sana huwag akong singilin ng mga pinagkakautangan ko 😆

Kung may pinakamabilis na papasuking business iyon siguro ang pag papautang. Basta may pera ka tyak makakapag pautang ka.  Dito sa Pilipinas kong mahal usong uso ang utangan, andyan si DJ bumbay 5’6 , lending companies, appliances , damit, pera, sa tindahan ni aling nena,  kapit bahay mong nagtitinda ng  langonisa, avon , pati nga pag aabroad pwede rin utangin  fly now pay later.

Kahit saang lupalop dito makakahanap ka nyan,  yun nga lang ang iba halos kalahati ng inutang ang interest, napakalaki ng patong at dahil sa walang choice yun tao kakagatin naman yung offer para may pantawid gutom. Ang masaklap pa nito kung sino pa ang mga walang trabaho yun pa ang malalakas ang loob mangutang, utang dyan utang doon, uutang sa kabila para may pang bayad sa kabila hanggang sa magkapatong patong na at hindi ka na makaahon.

Nakakaenganyo nga naman kasi mangutang sa isang iglap lang may pera na at mabibili na ang gustong bilin, pero kapag dating na ng bayaran doon na nagkakaroon ng problema kasi yung perang inutang hindi ginamit sa tamang paraan. Para lang itong pag-inom ng alak sa umpisa makukuha mo yung gusto mong tama ma ha high ka pero kinabukasan humanda ka sa hang over.

May mga tao kasing mahilig mangutang, basta may mauutangan sige kuha dyan kuha dito, kahit mura pa ang paninda kung isang tambak naman ang inutang nya at mas malaki pa yung inuutang  kaysa kinikita nya at kapag panahon na ng bayaran nakow!!! Halos hindi mapakali kung saan kukuha ng ipangbabayad sa mga kinuha nya.

Hindi naman masamang mangutang lalo na at gipit ang tao, ang magpapautang ang syang nagbibigay pag – asa sa mga gipit na tao. Saludo nga ako sa mga nag papautang ng walang interest kasi binibigyan nila nang pagkakataon yung taong makaahon sa problema nila.

Nagiging problema lang kapag inabuso na ito ng tao, pinahiram ka na nga gagamitin mo pa ito sa luho, ipangsusugal, inom at kung ano ano pa lalo lang  ito malulugmok kapag yung hiniraman eh may interest at mataas ang patong.

Hindi mo rin naman masisisi ang iba, sa hirap nga naman ng buhay ngayon.. sino ba ang hindi nangutang? Pero sana lang matutunan din natin maging responsableng mamamayan. Ang simple lang naman..kapag wala kang pambayad huwag ka nang mangutang. Kasi kawawa  din naman yung napangakuan mo, at malay mo yun lang din ang hanap buhay nya, at kapag dating ng singilan hindi ka na mahagilap at kung medyo makapal pa ang mukha mo  ikaw pa ang mang bubulyaw doon sa naniningil.. kawawang nilalang. Unaunahan lang yan eh mabuti sana kung mabait yung inutangan mo malay mo ikaw naman ang bulyawan ng .. ” MAG BAYAD KA NA NG  UTANG NG INA MO!

Hay nako ang gulo sa earth! yung mga ganitong problema nagkalat lang sa paligid, lalo na sa mga hikahos sa buhay, maaring hindi ganito ka simple ang problema ng mga mayayaman pero mayron din silang version nito yun nga lang sosyal pakinggan ang credit card ekek na yan at take note million million naman ang usapan dyan.

Paano ka ba makakaahon sa ganitong sitwasyon?

There are plenty of ways to get ahead.  The first is so basic I’m almost embarrassed to say it:  spend less than you earn.

~Paul Clitheroe

  1. Siguro tamang pag gamit lang ng pera, wala kang kinikita huwag kang mangutang.
  2. Kung may trabaho ka, huwag gumastos ng malaki kaysa sa iyong kinikita.
  3. May kasabihan na matutong bumaluktot habang ang kumot ay maigsi.
  4. Kung gusto mo makamit ang mga bagay bagay na ninanais matutong mag banat ng buto.
  5. Matutong makuntento kung anong meron tayo.
  6. Sipag at tyaga.

Philippians 4:11-13
For I have learned to be content, whatever the circumstances may be. I know now how to live when things are difficult and I know how to live when things are prosperous. In general and in particular I have learned the secret of eating well or going hungry of facing either plenty of poverty. I am ready for anything through the strength of the One who lives within me.

Lahat naman nadadaan sa panalangin pero lahat ng pinapanalangin kailangan sinasamahan din ng gawa.

Advertisements
30
Dec
09

Year end..

Isang taon ang magpapaalam ngunit may panibago nanaman taon na darating.

Parang sa buhay lang ng tao.. may aalis at may bagong darating. Mayroong masalimuot ang experience sa nakaraan pero pag dating naman ng bago mas maayos kaysa dati.

Buhay ng tao parang gulong lang minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim ka. At nasa tao yun kung gagayahin nya ang isang bubble gum sa pagkakadikit sa gulong para maiangat naman sya sa ibabaw at hindi nalang palaging nasa ilalim at palagi nalang natatapakan.

Susunod nalang sya sa ikot ng gulong … walang katapusang pag ikot.. ito man ay sa daang malubak, matubig, mabuhangin , mabato, maputik . At kung sakali mang mabalaho ito asahan mong makakaalis ka rin sa pagkaka stuck dun dahil may mga kamay na pwede pang tumulong sa pagkakabalaho mo kung hindi mo ito kayang mag isa, asahan mong may mga angel sa paligid para tulungan ka.

Angels are everywhere… at naniniwala ako dun, pero devils are also all around.. kaya mag ingat sa mga taong nakakasalamuha.. dahil may mga demonyong nag aanyong angel.

Looking back last year.. mas masaya ako ngayon taon na ito.. kasi may mga angel akong nakasalamuha .. ito yun instrumento ni Bosing para maiangat ako sa pagkakabalaho.. nagpatulong ako at the same time tinulungan ko rin ang sarili ko.

At sa huli.. its always a matter of choice.. kung pipiliin mong magpakalugmok sa pagkakabalaho o i enjoy pa yun mga daan na hindi mo pa nadadaanan.

At laging iisipin…Mahal ka ni Bosing.. laging may bagong pag asa, laging may liwanag sa dulo ng tunnel … Just keep on trusting HIM.

Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light. – Matthew 11:28-30

HAPPY NEW YEAR TO ALL AND GOD BLESS US !

03
Aug
09

Im Home

istock_000000357240small_child_crying_1

Gaya nga ng sabi ni blueroseguy welcome home daw. After two long years ng pagkakalayo ko sa bahay ( few steps away from home lang toinks ! hmmm mga 10 house kamo ang pagitan)

Simula kasi ng nag asawa ang nanay ko uli last 2001, nag inarte na ang Lambing kasi feeling ko wala nang natira sa akin.

Nag iisa lang akong anak tapos at age seven naghiwalay na ang magulang ko, umalis kami sa tinitiran namin kasi ang nanay ko may dugong pasaway at sa tingin ko namana ko din. May iba na rin family ang papa ko at may mga kapatid ako dun, pero iba pa rin pag sarili mong kapatid.

Ang hirap ng nag iisa, feeling ko nun wala na akong karamay. Pero nagpapasalamat ako at di ako gaanong pasaway dahil may takot ako kay Bosing at alam ko na kung mag rerebelde ako … ako lang din ang kawawa pag dating ng panahon, so kahit maraming temptations.. naka survive naman ako at nakapagtapos ng pag aaral.

Naging struggle sa akin ang pag aasawa ng nanay ko nun college days ko, kasi yun nga nanay ko nalang ang natira sa akin, tapos nag asawa pa. Nawalan ako ng self belongingness. Muntik na kong di nakapagtapos sa pagdaramdam ko pero cheers ule kasi nanaig ang pagiging fighter ko.

Nakapagtapos ako na feeling ko nagiisa pa din, nandun nga sa bahay ng papa ko pero parang kulang pa rin, pag nasa bahay naman ako ng nanay ko ganon din.. Yun pa rin ang struggle ko non kasi gusto ko ng buong family. Pero sadyang may mga bagay na hindi na pwedeng ayusin… at ang tanging magagawa mo nalang ay pagtanggap ng katotohanan.

Dahil mahal ko ang nanay ko, tumira ako sa kanila nang magkatrabaho ako ng malapit sa amin. Binigyan ko ng chance yun step father ko, hmmm ginalang ko, pero syempre iba talaga pag tatay mo sya.. (papa’s girl kasi ako).

Umiinom kasi yun palagi at madaldal pag nakainom. Pero pag matino naman okey din halos ayaw nga kong tignan eh. Nagkakaroon sila ng mis understanding ni nanay syempre kanino ba ko kakampi sa nanay ko. At ang laging solusyon non ay hiwalay, alsa balutan. Mula 2001 na nag asawa sila hanggang ngayon taon taon nag aalsa balutan ang nanay ko.

rebellious-teenager-thumb293109So napagod ako dun sa ganoong set up. Nag sarili na lang ako. At sa tuwing magtatampuhan o mag aaway sila sa akin tumatakbo ang nanay ko. (baliktad kami sa akin umuuwi pag nag away sila) .

Syempre burden sa akin yun, ayaw ko nasasaktan ang nanay ko, at syempre galit na rin ako sa step father ko, kasi kung ano ano sinusumbong ni nanay sa akin. Hindi naman ako bata na konting suhol ok na, naipon na yun galit ko hanggang sa wala na akong mailuha.

Nasaktan din ako dahil laging pangako ng nanay ko na iiwanan nya na ang asawa nya at ilang beses na rin nya kinain ang sinabi nya dahil lagi syang bumabalik dun. Lagi ako umaasa na magiging okey na uli ang lahat kung dalawa lang uli kami. Pero lagi nya ko nasasaktan sa mga pangako nya.. hanggang sa naging manhid na ako, tumigas na ang puso ko sa sakit.. napagod.. kaya tinitikis ko ang nanay ko. Nabastos ko na rin sya ng hindi sinasadya at nasaktan.

Alam kong nahihirapan ang nanay ko sa pag pili sa aming dalawa. Hanggang sa nag sawa na rin akong mag inarte.. Sabi ko uuwi na ako. Bibigyan ko na uli ng chance si step father ko.

Kaya eto ako ngayon.. Kapiling ng nanay ko.. at may kasamang step father. Hindi madaling maghilom ang sugat lalo na at malalim ito, pero nag tyatyaga akong gamutin ito, para maging maayos ang lahat alang ala sa nanay ko.

I’M HOME….CBR002218

Kung ang mamahalin mo lang ay yun mga madaling mahalin at mahal ka din… anong mapapala mo? Ginagawa din ng iba yun.

Share ko lang po itong bible verse na ito :

Matthew 5:43-47

20
Jul
09

labs

Kung meron man sigurong fans club ang love tyak ako na yun number one fan nya. Bakit???? Kasi kahit paulit ulit akong nasasaktan dahil sa kanya hindi pa rin ako sumusuko at patuloy pa rin naniniwala sa kanya.

Love napakalawak ng ibig sabihin.. very complicated word.. napakahirap pasukin.. pero pag nandon ka na sa presence ng love hindi mo na iisipin kung complicated o hindi marami pa din nag ta take ng risk para lang maramdaman ang tinatawag na love.

Everyone wants to love and be loved. And i cant deny it… am longing to be loved. Hindi ko parin ipagpapalit yun feeling na minamahal ka at nagmamahal ka. Kasi ito yun pinakamasarap na feeling na pwede mo maramdaman sa buhay mo. Gusto mo malaman kung gaano ako ka hooked sa love????

  1. Favorite color ko ang red kasi it symbolizes love.
  2. Gusto ko ng mga bagay na may hugis puso, mapakwintas man yan singsing, hikaw etc. Bakit? ewan ko ba basta parang ang peaceful pag nakakakita ako ng hugis puso
  3. Love quotes.. kahit mag hang ang cp kaka collect ng love quotes carry yan. Dina digest ko talaga lahat ng meaning nun at yun pwede maitulong sa buhay lablayp ko.
  4. Love note, love problems sa radyo.. nakikinig ako tapos nag rereact din ako sa mga love probs na cheesy.. hehe
  5. Love story.. sa movie or tv sama mo na ang pocket book pero di ako masyado mahilig magbasa ng pocketbook.
  6. Articles bout love syempre panalo sa akin yan
  7. Love songs..
  8. Yun word na I LOVE YOU

Kaya siguro sa passion ko sa love hanggang ngayon wala pa akong lablayp waaaa! E kasi naman laging palpak yun lablayp ko… Ewan ko ba kasi basta love eh nagiging tanga ang Lambing. May magpakita lang sa akin ng konting care at kalandian eh ang bilis ko mabilog. (bilog naman na pala ko dati) Well si Lambing kasi yun tipo ng taong madaling magtiwala sa tao basta maramdaman ko na yun ” SPARK” no question ask mamahalin na kita agad. Ibubuhos ko yun 100% energy ko sayo at mamahalin kita ng walang limitasyon. Eng eng ako eh, kahit hindi sigurado na mahal ako minamahal ko pa din ng sobra! Yun ang nararamdaman ko eh!

Kaya ang siste.. lagi akong nasasaktan. Pero kahit laging palpak at sakit ang dulot sa akin nyan Love na yan.. pinipilit ko pa rin makabangon.. dahil sabi ng iba cycle ng love yun masasaktan.. hihinto nalang yan heartache ko pag dumating na yun ” THE ONE” .

Siguro malapit na dumating yun na traffic na the one ko kasi eto ako manhid na sa sakit ng dahil sa pag-ibig na yan. Pero naniniwala pa din ako na somewhere out there …. may isang taong destined na mag aalis ng lahat ng pain sa puso ko.. at heksayted na ako sa pag dating nya 😀

Sa ngayon..tinataas ko buhay at lablayp ko sa hari ng pag-ibig. Si ” Bosing” 1 John 4:8
Whoever does not love does not know God, because ” GOD IS LOVE” kaya hindi ako mauubusan ng pag asa at energy magmahal kasi ang yaman ng supplier ko ng LOVE .. close kami oh si ” BOSING.” Sobra sobra ang pagmamahal nya sa akin at sayo, kung minsan dumadating sa buhay ang pagkakadapa laging to the rescue ang hari ng love. Tawag dun “agape” selfless love.

Hay love.. dami ko pa gustong sabihin pero stop na muna.. basta ako ” ID RATHER HAVE THE ONE WHO HOLDS MY HEART” may ganon???? at dahil sa ka adikan ko sa love gusto ko ng T-SHIRT..

900x500_full

Ayan sumali ako sa contest pers taym ko .. kaya supportahan nyo ako haha

eto pala yun sponsors:

Chad of Coolbutsmokin.wordpress.com who offers cash through Paypal
* Rhona of Kofistains.com who offers cash through Paypal
* Reesie of Reesie.net who offers cash through Paypal
* Jehzeel of Jehzlau-Concepts.com who offers cash through Paypal

* Jerick of Rickspot.com who offers ad space at his site
* Ej B. of TechnoChase.com who offers cash through Paypal
* Mars of OrphicPixel.com who offers cash through Paypal
* Winkie of WinkiesWorld.wordpress.com who offers cash/E-load
* Cris of http://www.crisiboy.com who offers cash/E-load

* Ghie of confessions who offers cash through Paypal

ayan happy 8 month anniversary sayo mon.. pwede na sa akin kahit tshirt lang haha 😉

10
Feb
09

Lab is in da air..

Naamoy ko na nalalapit na ang araw ng mga puso, bakit ba pag ganitong buwan nakakalungkot pag wala kang special someone sa tabi mo.. Balentayms day na naman, bakit ba kasi nauso uso pa ang balentayms day na yan..  bohooo.. teka bitter yata ako.. kasi naman ..oo na aaminin ko singol ako ngayon kaya ang balentayms day ay isang araw nang parusa?? Masasabi kong parusa sa mga labless tulad ko.. yun mga kaka break lang waaaaaaaaaaaaaa!!!! yun mga niloko!!!! waaaaaaaaaaaa ulet.. *hikbi* paano ba naman hindi ka maiinis makikita mo sa paligid mo.. ang mga nag papa alala na balentayms day na..

  1. Mga flowers..( wish ko may magbigay sa akin nito.. )*hikbi*
  2. Tsokoleyts ( peborit ko pa naman )
  3. Cards (wish ko din meron ako nito..)
  4. Restaurants na puro balentayms ang tema
  5. Lovers sa buong paligid mo na nag lalambingan.. ( unfair! kasi ako si Lambing walang kalambingan?)
  6. Mga nag susuot ng red pag balentayms ( oo na balentayms day na nga magpupula ka pa! panay pula na nga nasa paligid mo gusto mo pa makisama sa paligid na kulay pula! e ano ba naman paki alam ko kung naka pula sila .. diba diba diba? haaysss pero in fairness peborit ko ang kulay red kasi dati ang peborit kong color ay p  u  .. ay ewan.. kaya red nalang madaling isulat..
  7. Tapos sa internet, sa paligid, sa tv ang laging pinag uusapan ay lab!!! balentayms day…
  8. JS PROM.. ( naalala nyo ba ang pers dance nyo?)
  9. Mga kartolinang pula na hugis puso at hugis cupid..
  10. Mga Hotel/ motel, drive in chever , at kung ano anong pang kwarto na fully book na pag dating ng balentayms day.. ( bakit kaya puno yun??? )

Pero diba kahit ano pa ang idahilan ko dito.. matutuloy pa din ang balentayms day.. araw ng lab.. pero sa mga katulad kong labless ganito lang ang teknik nyan para di natin maramdaman ang balentayms day..

  • mag suot ka nang itim!!
  • wag kang pumunta sa restaurant kasi makakakita ka lang ng mga lovers dun
  • mag rent ka ng action movie o comedy .. wag kang mag rent ng lab story baka lalo ka lang ma depress
  • kumanta ka ng I WILL SURVIVE, SURVIVOR sa videoke go go go go!!!
  • mag imbento ka ng recipe kung mahilig kang magluto
  • tawagin din ang mga singol friends tapos mag party kayo..
  • takpan ang mata pag gising .. ( kasi sabi ng mga matatanda kung sino ang unang lalaki o babae  makita mo pag balentayms yun ang kabalentino mo.. ako naman kung walang gwapo sa paligid ko tatakpan ko mata ko tapos dun sa madaming gwapo dun ko bubuksan mata ko..  😆
  • iwasan mo magbukas ng tv .. kasi maiingit ka lang! walang paki alam ang media sa mga singol *hikbi*
  • magpatugtug ka ng rock music ( rock n roll)

Tama na nga dami ko nanaman pinagsasabi hindi naman ako antivalentinism no? hmm siguro medyo nakakailang lang kasi sa mga taong nagpapagaling ng sugat biglang magsasaling ang sugat dahil sa paligid mo..  heneways..  isang araw lang naman yan eh.. sabi nga nila if you cant beat them join them ! o ha! magmahal ka pa rin, dahil ang pag ibig ay isang freeware.. kelangan itong i share kahit kanino.. lalo na dun sa mga nangangailangan ng lab diba??  hmm may ishashare akong bible verse bout lab eto oh..

1 Corinthians 13:1-13

If I speak in the tongues of men and angels,
but have not love,
I have become sounding brass or a tinkling symbol. 

And if I have prophecy and know all mysteries and all knowledge,
and if I have all faith so as to remove mountains,
but have not love, I am nothing. 

And if I dole out all my goods, and
if I deliver my body that I may boast
but have not love, nothing I am profited.

Love is long suffering, 
love is kind,
it is not jealous, 
love does not boast,
it is not inflated.

It is not discourteous,
it is not selfish,
it is not irritable,
it does not enumerate the evil.
It does not rejoice over the wrong, but rejoices in the truth 
 

It covers all things,
it has faith for all things,
it hopes in all things,
it endures in all things.

Love never falls in ruins;
but whether prophecies, they will be abolished; or
tongues, they will cease; or
knowledge, it will be superseded.

For we know in part and we prophecy in part.

But when the perfect comes, the imperfect will be superseded.  

When I was an infant,
I spoke as an infant,
I reckoned as an infant;

when I became [an adult],
I abolished the things of the infant. 

For now we see through a mirror in an enigma, but then face to face. Now I know in part, but then I shall know as also I was fully known. 

But now remains
 faith, hope, love,

these three;

but the greatest of these is love.

Hay naku.. dami ko nang sinabi… eto share ko lang naman sa mga taong nalulungkot …

Love now. If you wait for the perfect person and the perfect circumstance to give your love, you’ll never love. Love is not like money. It is not to be saved, carefully budgeted and spent only in a calculated manner. Love does grow on trees. Love is bottomless. Love freely and immediately. Make every day a love spending spree.

HAPPY BALENTAYMS PEEPZZ!

saka apee bday pala kay friend kong aayzzz!




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,496 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers