Posts Tagged ‘valentines

13
Feb
12

ano ba bukas?

Love month nanaman pala parang hindi ko napansin 😆 O talagang hindi ko lang pinapansin dahil ayaw kong ma korner ulet… Pero kahit ano namang iwas mo pag usapan ang fegibig eh ayan love month na talaga kaya pahuhuli ba ako..

Daming banat , daming love songs na nagkalat maiiwasan mo bang hindi mapaisip nang oo nga no?  Ate , kuya wag kang plastic.. lahat naman tayo gusto ng may minamahal at may nag mamahal likas na sa atin ang mapagmahal.. yun nga lang minsan mali lang tayo ng minamahal kung baga… you’re barking at the wrong three… eh di tahulan mo yung tamang tao.. pano ba? Ang gulo naman kasi ng puso eh.. komplikado.. gusto mo yung ayaw sayo, yung may gusto naman sayo ayaw mo anu beeeeeeeeeee…

Ano naman gimik ko? Wala naman.. naisip ko lang ayaw kong maging bitter dahil lang sa isang araw na ito.. Hindi ako manunutok ng boylets para lang may maka date sa araw ng puso..  Eh ano kung walang mag bigay saken ng bulaklak? o sokoleyt? Ibig sabihin ba nun habang buhay na walang nang magbibigay saken ng flowers o sokoleyt? Nga pala kung meron gusto mag bigay gusto ko white roses.. gusto ko puti! 😆 bakit? kasi pure.. ganon ako amg mahal puro 😆 Teka lumayo ako sa usapan… o eh ano naman nga ngayon kung balentayms na bukas????

Pwede naman akong mag mahal ng mag mahal kahit hindi balentayms day o diba? Ako pa puno ng pag mamahal.. sabi nga kahit maraming mga mapag samantala na mag lalaro ng puso mo.. huwag kang mapagod kasi meron din darating sayo.. hindi man ngayon baka bukas.. oo bukas baka dumating na din yun… Huwag mong ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw sayo. Huwag mo rin pababain ang criteria mo sa hinahanap mo sa isang tao para lang mag karoon ka ng sinasabing love of your life. Let’s  learn how to wait for God’s perfect time.. wag kasi attaters.. Baka biglang sabihin sayo ni bosing .. ” anak naman kasi eh… hindi yan ang para sayo huwag mo iyakan yan.. maghintay ka lang huwag kang atat!” toinks! aray lang.. mag hintay kase.. ok?

Ang daming paraan ng pag mamahal… Love is all around ika nga  ,  malay mo nasa tapat lang ng bahay nyo, o kaya sa likod … Hindi mo rin kailangan mag stick sa mga standards mo bigyan mo din ng chance yung iba.. malay mo.. malay mo lang naman… yung standards mo lang binibigyan mo ng chance huwag masyadong choosy nu ka ba choosy ka pa! Alam mo na?

Huwag tayong maging desperada / desperado sa mga taong di pumapansin sa atin.. marami pang isda sa dagat.. sige ka kung dun ka lang tumitingin sa gusto mong tignan baka lumampas na yung mas bagay sayo kababantay mo dun sa isang iyon…  O eh ano nga ba gusto kong iparating? Huwag malungkot sa isang araw na dadaan… pwede ka mag lambing katulad ko.. eto nag lalambing ako sa mga nalulungkot.. malay mo sa pag lalambing mo sa iba makapag pasaya ka ng pusong nalulungkot.. at yan … yan din ay isang paraan ng pag mamahal sa kapwa.. Yang ang isang simpleng paraan ng pagmamahal na alam ko ang mag lambing at mag pangiti ng tao…  Katulad kanina nalulungkot nanaman ako pero nung narinig ko itong song na ito aba eh nag bago ang mood ko ..

dedicated ko to sa future boyfriend ko .. ^_~ Malay mo mag bago din ang mood mo 🙂 Love love love ♥♥♥  sa inyong lahat enjoy! 

Pag-ibig by Yeng Constantino Lyrics

Ang pag-ibig, hindi parang cellphone
‘Pag naluma, papalitan
Ang pag-ibig, hindi parang damit
‘Pag may bagong uso, papalitanKung sabihin kong mahal kita
‘Yan ay totoo sinta
Huwag na ‘wag kang magdududa
Hindi kita binobolaPanghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y pumangit, hindi kita ipagpapalit
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y makalbo, hindi ako magbabago noypistuffAham… Aaham… Aaaham… Aaham..

Ang pag-ibig, hindi parang pagkain
‘Pag pinagsawaan, ipamimigay na lang
Ang pag-ibig, hindi parang pusa
‘Pag maingay, ililigaw nalang

Kung sabihin kong mahal kita
‘Yan ay totoo sinta
Huwag na ‘wag kang magdududa
Hindi kita binobola

Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y tumaba, hindi ako mangangaliwa
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na magka-wrinkles ka, ikikiss pa rin kita

Aham… Aaham… Aaaham… Aaham..

Love is patient
Love is kind
It does not envy
It does not boast
It is not proud
It is not rude
It is not self-seeking
It is not easily angered
It keeps no record of wrongs
Love does not delight in evil
But rejoices with the truth

It always protects, always trusts, always hopes, and always perseveres.
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na tupakin ka, iintindihin kita
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na may kasalanan ka, iiyak ako pero papatawarin ka
10
Feb
10

Puso

Paano ba tumibok ang puso pag enlab? tugtug tugtug tugtug… (kinakabahan parang laging high sa drugs o kaya katol na sininghot)

Paano naman kung broken hearted? tug.. tug.. tug..( dahan dahan na sa pag tibok.. kasi nagdadalawang isip na kung gusto pa ng puso nya na magpatuloy tumibok bok bok )

Kapag sobrang broken hearted? ______________________________ ( in hale exhale nalang ang naririnig kasi pinipigilan na nya tumibok ang puso)

Hahayss araw ng mga puso daw.. ano ba meron sa puso bakit nadadamay ang puso kapag valentines day?

Pero para sa akin ang valentines day ay hindi para sa mga couples lamang.. para rin ito sa mga inlove, gustong ma inlove, broken hearted at all the singles out there. Kasi lahat ng tao may puso o ha?? Siguro kasama na rin pati saging kasi may puso rin sya , korny? hmmmkei.

Wag ka nang mag bitter bitteran dyan na para lang sa kanila ang araw ng balentayns para rin ito sa iyo at sa akin dahil aminin mo man o hindi umiibig ka din, pana panahon lang iyan. Nagkataon lang na ngayon ay wala kang ka pakner.Oweno naman ngayon?

Mag isip ka nalang ng mga bagay na nakakatulong sa pagkatao mo.. ano uli yun .. sensya na di pa ako nagkakape eh.. o kaya basahin mo yun post ko last year bout v-day

Kung sabagay nakakainggit nga naman hahays na iyong iba nasa restaurant o kung saan saang lugar na nagkalat para mapatunayan ang pagpamamahalan nila. . (pagmamahalan?? anu daw ? weh! ) sa araw ng mga puso.

Kung baga araw lang naman yan isang araw lang so wag ka nang komontra sa gusto ng nakakarami…. >>>>

  • May ari ng mga hotel/motel/ inn
  • Mga nagbebenta ng cards
  • May ari ng mga Restaurants
  • May ari ng mall/ sinehan
  • Nagbebenta ng mga pulang damit, lingerie at kung anek anek pa.

Wag na kontrahin.. Sa huli masarap pa rin ang magmahal at mahalin. Pag ganitong panahon ang daming humihingi ng definition nang love.. o sige papauto uli ako i – de define ko uli ang lab ayun sa experience ko ( umeexperience pa 😆 )

Ang Love… ang tawag ko sa ex ko dati 😦

Pag-ibig -ito ay nakakabaliw na pakiramdam na pwede mong maramdaman sa buong buhay mo. nakakapag patirik ng mata( nakatulala ka kasi maghapon sa kakaisip sa kanya kapag inlove o pag nabroken hearted naman titirikan mo nalang sya ng mata tulad nito 🙄 )

Para kang kinukuryente ng ilang boltahe kapag nakikita mo sya o nakakadikit (nakow!) nakakapag blush na di na kelangan mag lagay ng cheek stain o blusher.Nakakaganda kapag blooming, nakakapanget kapag sawi. Parang may kung anong kumukulo sa tyan mo, di mo maintindihan kung natatae ka o kung ano pa man yan. O hindi ba nakakabalaliw na pakiramdam non??

Pero aminin mo masaya makaramdam nito diba? Napapangiti ka maghapon kahit walang nagpapatawa sayo parang adik lang din na nakahihit ng katol high to the highest level talaga.

Kinig ka muna ng music kong cheezy mapapangiti ka rin.. damhin mo ! 😆

Ikaw anong nakakabaliw na pakiramdam ang experience mo?

Happy balentayns haters and lovers 😆

I LOVE YOU ALL 😉

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”Bob Ong-

10
Feb
09

Lab is in da air..

Naamoy ko na nalalapit na ang araw ng mga puso, bakit ba pag ganitong buwan nakakalungkot pag wala kang special someone sa tabi mo.. Balentayms day na naman, bakit ba kasi nauso uso pa ang balentayms day na yan..  bohooo.. teka bitter yata ako.. kasi naman ..oo na aaminin ko singol ako ngayon kaya ang balentayms day ay isang araw nang parusa?? Masasabi kong parusa sa mga labless tulad ko.. yun mga kaka break lang waaaaaaaaaaaaaa!!!! yun mga niloko!!!! waaaaaaaaaaaa ulet.. *hikbi* paano ba naman hindi ka maiinis makikita mo sa paligid mo.. ang mga nag papa alala na balentayms day na..

  1. Mga flowers..( wish ko may magbigay sa akin nito.. )*hikbi*
  2. Tsokoleyts ( peborit ko pa naman )
  3. Cards (wish ko din meron ako nito..)
  4. Restaurants na puro balentayms ang tema
  5. Lovers sa buong paligid mo na nag lalambingan.. ( unfair! kasi ako si Lambing walang kalambingan?)
  6. Mga nag susuot ng red pag balentayms ( oo na balentayms day na nga magpupula ka pa! panay pula na nga nasa paligid mo gusto mo pa makisama sa paligid na kulay pula! e ano ba naman paki alam ko kung naka pula sila .. diba diba diba? haaysss pero in fairness peborit ko ang kulay red kasi dati ang peborit kong color ay p  u  .. ay ewan.. kaya red nalang madaling isulat..
  7. Tapos sa internet, sa paligid, sa tv ang laging pinag uusapan ay lab!!! balentayms day…
  8. JS PROM.. ( naalala nyo ba ang pers dance nyo?)
  9. Mga kartolinang pula na hugis puso at hugis cupid..
  10. Mga Hotel/ motel, drive in chever , at kung ano anong pang kwarto na fully book na pag dating ng balentayms day.. ( bakit kaya puno yun??? )

Pero diba kahit ano pa ang idahilan ko dito.. matutuloy pa din ang balentayms day.. araw ng lab.. pero sa mga katulad kong labless ganito lang ang teknik nyan para di natin maramdaman ang balentayms day..

  • mag suot ka nang itim!!
  • wag kang pumunta sa restaurant kasi makakakita ka lang ng mga lovers dun
  • mag rent ka ng action movie o comedy .. wag kang mag rent ng lab story baka lalo ka lang ma depress
  • kumanta ka ng I WILL SURVIVE, SURVIVOR sa videoke go go go go!!!
  • mag imbento ka ng recipe kung mahilig kang magluto
  • tawagin din ang mga singol friends tapos mag party kayo..
  • takpan ang mata pag gising .. ( kasi sabi ng mga matatanda kung sino ang unang lalaki o babae  makita mo pag balentayms yun ang kabalentino mo.. ako naman kung walang gwapo sa paligid ko tatakpan ko mata ko tapos dun sa madaming gwapo dun ko bubuksan mata ko..  😆
  • iwasan mo magbukas ng tv .. kasi maiingit ka lang! walang paki alam ang media sa mga singol *hikbi*
  • magpatugtug ka ng rock music ( rock n roll)

Tama na nga dami ko nanaman pinagsasabi hindi naman ako antivalentinism no? hmm siguro medyo nakakailang lang kasi sa mga taong nagpapagaling ng sugat biglang magsasaling ang sugat dahil sa paligid mo..  heneways..  isang araw lang naman yan eh.. sabi nga nila if you cant beat them join them ! o ha! magmahal ka pa rin, dahil ang pag ibig ay isang freeware.. kelangan itong i share kahit kanino.. lalo na dun sa mga nangangailangan ng lab diba??  hmm may ishashare akong bible verse bout lab eto oh..

1 Corinthians 13:1-13

If I speak in the tongues of men and angels,
but have not love,
I have become sounding brass or a tinkling symbol. 

And if I have prophecy and know all mysteries and all knowledge,
and if I have all faith so as to remove mountains,
but have not love, I am nothing. 

And if I dole out all my goods, and
if I deliver my body that I may boast
but have not love, nothing I am profited.

Love is long suffering, 
love is kind,
it is not jealous, 
love does not boast,
it is not inflated.

It is not discourteous,
it is not selfish,
it is not irritable,
it does not enumerate the evil.
It does not rejoice over the wrong, but rejoices in the truth 
 

It covers all things,
it has faith for all things,
it hopes in all things,
it endures in all things.

Love never falls in ruins;
but whether prophecies, they will be abolished; or
tongues, they will cease; or
knowledge, it will be superseded.

For we know in part and we prophecy in part.

But when the perfect comes, the imperfect will be superseded.  

When I was an infant,
I spoke as an infant,
I reckoned as an infant;

when I became [an adult],
I abolished the things of the infant. 

For now we see through a mirror in an enigma, but then face to face. Now I know in part, but then I shall know as also I was fully known. 

But now remains
 faith, hope, love,

these three;

but the greatest of these is love.

Hay naku.. dami ko nang sinabi… eto share ko lang naman sa mga taong nalulungkot …

Love now. If you wait for the perfect person and the perfect circumstance to give your love, you’ll never love. Love is not like money. It is not to be saved, carefully budgeted and spent only in a calculated manner. Love does grow on trees. Love is bottomless. Love freely and immediately. Make every day a love spending spree.

HAPPY BALENTAYMS PEEPZZ!

saka apee bday pala kay friend kong aayzzz!




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 592,695 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers