Sabi nila ang buhay parang gulong, minsan nasa itaas minsan nasa ibaba. Pero para sa akin ang buhay weather weather lang yan..
Kung noon nagtataka ako sa nanay ko kung bakit galit na galit na may malapit lang sa akin na lalaki aba, ngayon nararanasan ko na ito sa kapatid ko bilang tumayong ina sa kanya nang gagalaiti ako may maka text lang ang kapatid ko.. At sinong hindi magagalit dalawa dalawa tumatawag sa kanya may hon tapos mahal ko.. sinong inang hindi uusok ang ilong dun.. Ayaw ko pa may pangarap pa ako para sa kanya..
Sa isip ko.. sayang naman pag papaaral ko sa iyo kung hindi ka makakapag tapos at mag aasawa ka lang agad. Aba eh iba na kasi ang panahon ngayon ano? Daming temptasyon.. gusto ko lang mapabuti sya… hay nanay ngayon naiintindihan na kita bakit umuusok ilong mo noon.. pero pinatunayan ko naman sayo na magtatapos ako diba? At hindi ako maaga mag aasawa.. yun nga lang ikaw ang nang iwan.. Kita singol pa rin ang lambing mo ngayon.
Kung noon asar na asar ako sa nanay ko kakautos , maghugas ng pinggan , kung ano ano pa eh.. malamang si osang na ang asar na asar sa akin sa kauutos ko. Natural galing ako sa trabaho at dadalawa lang kami.. kelangan nya matuto sa gawaing bahay isa pa tinitirahan nya yun kelangan malinis iyon . Salamat uli kay inay at natuto ako sa gawaing bahay kahit san man ako mapunta may alam ako at mabubuhay ako ng hindi umaasa sa iba.
Kung noon nalilito ako bakit laging mainit ang ulo ng nanay ko, makagawa lang ako ng mali yun lagi nakikita kapag nakagawa naman ako ng magagandang bagay hindi na aappreciate .. ngayon nararanasan kong mainit lagi ang ulo, siguro dahil sa responsibilidad na nakapatong sakin.. walang kasalo siguro nga ganon rin si nanay noon.
Siguro nga may mga bagay lang tayong maiintindihan kapag nararanasan na natin. Tulad ng pag titipid dati rati noong nag aaral ka pa sige ang gastos mo.. pero kapag ikaw na ang kumakayod halos ayaw mo na maglabas ng pera dahil sayang kung hindi naman para sa mahahalagang bagay.
Kung noon nagtatampo ako sa nanay ko bakit kelangan pa nya mag asawa ulit eh nandito naman ako. Hindi ko naman sya iiwan… Hindi ko lubos maisip bakit kelangan pa nang ibang tao eh pwede naman kaming dalawa lang masaya naman kami.. kaya noong nag asawa sya parang pinagtakluban ako ng langit at lupa… pero ang sagot nya “ BALANG ARAW ANAK MAIINTINDIHAN MO RIN AKO… “
Dumating na yata iyong panahon na naiintindihan na kita.. kasi ngayon.. ramdam ko yung takot na mag isa .
Pero ganon pa man.. kahit natatakot ako maiiwan pa rin saken iyong mga baon kong turo mo.. na kapag natatakot ako magtiwala lang ako sa Maykapal at iyon ang hindi mawawala saken..
Wala lang namimiss lang kita nay… belated happy birthday at happy mothers day na rin 🙂
nag comments na may Lambing