Posts Tagged ‘Add new tag

14
Oct
08

Pusong pasaway

” Wag kang magreklamo kung yun mahal mo e hindi ka mahal, kasi meron din mga taong mahal ka pero di mo rin mahal. Kaya quits lang! “

Naalala ko ang mga katagang yan minsang nag eemote ako sa plurk. Sinabi sa akin yun ni issey. Napaisip ako, oo nga naman, may mga taong mahal na mahal tayo pero kahit anong gawin natin hindi natin ito magawang mahalin. Tama ba isagot dun na quits lang? Napakahirap talaga sagutin nang mga katanungan basta ang pinag uusapan ay pag ibig. Walang matinong sagot, dahil ang pusong nagmamahal, walang tinatanggap na sagot, ang alam lang nito ay yun nararamdaman nya.

Bakit ba ang kulit ng puso? Kung sana pwede nalang magmahal ng taong mahal ka din, pero bakit ganon? natataon pa na minamahal natin yun taong walang paki alam sa atin. Napaka gulo, o kung sakali mang mahal din tayo, may balakid naman, pwedeng di na sya available o may asawa na. Saka mo sya minahal kung kelan hindi na pwede ang lahat ng posibilidad para maging kayo. Yun iba sinusunod ang puso, kahit mali sugod pa din para lang mapagbigyan ang pusong naghuhurumentado pabagbigyan lang ang gusto.

Naisip ko lang, pano kaya kung magpalit kayo ng damdamin nung taong minamahal mo. Siya yun makaramdam nang pag ka miss sayo, makaramdam ng sakit sa tuwing binabale wala ka. Makaramdam ng pangungulila at pag luha sa tuwing naiisip ka. Maramdaman nya yun pusong parang madudurog pag naiisip na ang lahat ng pagmamahal mo hindi na rerecognize. Makaramdam ng takot, takot na hindi mo na makita yun mukhang nagpapasaya sa iyo. Yun mga ngiting nagpapakompleto ng araw mo.  O mapapawalang saysay ang mga bagay na inalay mo sa kanya. Mga sakripisyo mo na binigay o handang ibigay pa.

Magkakaroon kaya sya  ng realization. Maiintindihan na kaya nya ang taong ito na sobrang nagmamahal sa kanya pag nag palit kayo ng nararamdaman. Masasabi kaya nya na .. ganon pala yun! Dahil sa  isang nagmamahal, hindi naman natin pwedeng piliin kung sino ang mamahalin natin. Basta basta na lang ito tumitibok kung kanino nito gusto tumibok. Kahit pangit ang ugali o mukha mang sanggano kung dun ito tumibok eh. O kahit mukha mang balyena ito. O pinaka maganda o gwapo sobra naman panget ng ugali, kung dun tumibok si pusong malupit wala pa rin tayong magagawa.

Ibig sabihin swertehan lang talaga. Sana nga pwedeng piliin o pwede mamili kung kanino titibok ang puso natin , para sa bandang huli hindi tayo masaktan. Pero kasama sa buhay yan eh,, kasama sa pag ibig ang kabiguan. Gaya ng lagi kong sinasabi sa mga nauna kong entry.. hindi ka masasaktan kung di mo mahal, kaya ka nasasaktan kasi nagmamahal ka.

Bakit ko ba nasasabi itong mga bagay na ito? Siyempre may kinalaman nanaman ito sa nararamdaman ko. Thankful ako kasi may nararamdaman ako, at dahil may nararamdaman ako mayron akong nasusulat sa blog ko.

Kung sakali man maligaw dito ang itinitibok ng puso ko..

Gusto ko sabihin sayo na mahal kita. Hindi ko ito pinilit at lalong di ko ito sinadya. Sana maintindihan mo ang nararamdaman ko. Mahal kita, uulit ulitin ko iyon hanggang marinig mo ito at maramdaman. Kung di mo pa rin maramdaman o ayaw mo man itong maramdaman … wag kang mag alala , okey lang ako. Magiging masaya na rin ako para sayo. Dahil hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo.. gusto ko lang iparamdam sayo ang pag ibig ko. Nakakatawa kasi ang galing ko magsulat ng nararamdaman ko pero sa bunganga ko ayaw lumabas. Dahil siguro takot lang ako,, takot akong mawala ka sa akin .. pero kelan ka ba naging akin ???  Ingat ka nalang palagi .. sana kung mag krus uli ang landas natin ngitian mo lang ako solve na ako dun, o kung pwede bang mag request hug mo ako ng mahigpit.. o kung pwede pa uli mag request… o sya wag na nga..

Whatta emo girl this lambing!

” There will always be that first true LOVE. The ONE you first spent the night crying for. The one that never really worked out, but you keep your hopes up too much. The one who got away. The one who taught you all you need to know about love. The ONE that  till now is still the ONE you LOOK BACK to whenever you try to LOVE again… “

IKAW PASAWAY BA ANG PUSO MO? 😉

Advertisements
20
Aug
08

Erotic daw..

 

Nyaay… na tagged ako ni potpot 😆

Napa isip tuloy ako kung paano ako magkwekwento ng erotic nito 😳

Rules:

Create a short erotica of not more than 200 words, with the following words that can only be used once in the story:

1. sleepover – nakitulog
2. whip – latigo
3. handcuffs – posas
4. leather – katad
5. sexy – seksi
6. threesome – tatluhan
7. hairy – mabuhok
8. shotgun – shotgun
9. squeeze – pisil
10. explosion – pagsabog

Naku may bagyo dito sa amin, medyo makulimlim… sa mga ganitong panahon di ko maiwasan makapag isip ng kung ano ano. At nahagip nga ng aking mga matang mapupungay ang isang sofang malambot na paNg – TATLUHAN, habang tinitigan ko iyon may biglang naglaro sa malikot kong isip.

Pag dumating si mang jose at NAKITULOG, sosorpresahin ko sya ng bongang bonga. Mag susuout ako ng SEKSIng damit teternohan ko iyon ng highheels na booths na yari sa KATAD. Papaupuin ko sya sa sofang iyon pag katapos ay dahan dahan akong lalapit sa kanya habang tinititigan ko sya ng malagkit… aabutin ko ang kamay nya at dahan dahang ipoPOSAS ng mahigpit para hindi sya makawala. Huhubarin ko ang pantalon nya… itataas ko ang kanyang mga binti sa sofa habang PISIL ang kanyang mga binti… didikit ako ng kaunti at dahan dahan kong ilalabas ang pang ahit at aahitin ko ang MABUHOK nyang binti! Kapag hindi sya pumayag LATIGO at SHOTGUN ang katapat nya… kahit ito pa ang maging dahilan ng PAGSABOG ng galit nya aahitin ko talaga ang binti nya! 😆

Pero syempre di ko magagawa iyon.. hehe 😳 .. nu ba yan kung ano ano naiisip ko.. ayan po! tapos na ang erotic na tag na ito hehe whew!! pahirapan ba ako !

at ang aking itatag ay sina:

Ate Sonnet

Ms. Jovi

ayyzzz

sommer

aga

PS:
Pasensya na hindi talaga ako magaling sa ganito .. 😳 😳 😳

13
Aug
08

Topak

Listening to : Always be my baby by david cook

Senti mode:

Ewan ko ba bakit ganto ako ka senti, gustong gusto kong makinig ng music, pag ganitong senti mode ako gusto kong makinig ng mga love songs, At saka parang kulang ang buhay ko pag hindi ako nakakarinig ng musika, para syang bitamina ko, na pag hindi ako naka take matamlay ang buhay ko. Love ko talaga ang music .. tingin ko mas lab ko pa nga sya kay mang jose eh.

Listening to : Big girl dont cry by fergie

Haay.. minsan parang nanadya pa ang music kung ano yun nararamdaman at the moment parang yun ang sinisigaw ng kanta.. Ganto talaga ako, may time na gusto ko wala akong ginagawa.. nakatingin sa malayo na wala namang tinitignan, basta nakikinig ng music..

Listening to : Fool again by : westlife

Haay ulit.. may na mimiss ako.. ano ba yan, sayang naman yun pagiging malambing ko, wala akong malambing.. San ko ba nakuha itong emo mode ko.. malamang tinamaan din ako ng virus na kumakalat sa blogsphere.. at month of august pala ngayon.. ganon ba yun?

Listening to : Tell me where it hurts – mymp

Why dont you tell me where it hurts my baby ayan kumanta na tuloy ako.. haaayzz uli..

Listening to : Hero by : Mariah carey

Aba at may ganon pa hero hero ka dyan… nakakaloka ang ganitong mode. Kelan kaya darating yun hero na yun… haaay pa uli..

Listening to : No ordinary love by : MYMP

Nakakainis bakit ba ako nag kakaganito kasi eh… o sige na nga aaminin ko na nga .. nasa stage ako ng PMS( PreMenstrual Syndrome) hehe.. ganto daw yun eh.. nagkaka moodswings ang girlala, minsan naman yun iba sumasakit ang kung ano ano sa katawan. Gusto ko nagyon kumain ng tsokoleyt.. ng maalat.. hindi naman ako nag lilihi.. gusto ko nakasimangot lang ako, kaso hindi ko feel ngumiti.. at nakakainis tinutubuan ako ng pimples!! inlove? di naman.. kasi dati na akong inlove.. haayzz pa uli…

Listening to : I MISS YOU by : Klymaxx

At OO may na mimiss ako..SOBRA.. as in miss na miss to the tenth level.. haayzzz yun lang yun eh may nalalaman pa akong PMS PMS..

kaw na PMS KANA BA? hehehe 😉

05
Aug
08

Restoring Broken Relationships

Dahil marami na intriga sa lab layp ko, at may nagtatanong bakit umalis si pers lab ko ng walang paalam? Ano ang dahilan.. eto na .. fasten your seatbelt baka mayanig kayo sa kababawan ko at katangahan at kamartiran ( singhot)… ( buntong hininga..) game! Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Restoring Broken Relationships’




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,496 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers