Posts Tagged ‘beauty

12
Jul
10

reklamador ka ba?

Sabi nila kapag bagsak ang career ang lovelife eh bongga, kapag bagsak naman ang lovelife umaarangkada ang career. Asan ba ako dun? Isang malakas na TOINKS! ahahay… buti pa sila may lablayp na nga panay pa ang reklamo, selos dyan , selos dito, away dyan , away dito.. nakakasawa.. meron naman may lablayp na nga andyan na nga si wishart sa tabi nya ang dami pang pang pa praning na ginagawa sa sarili nya. Hindi ko ba maintindihan bakit hindi nalang makuntento ang tao.. Sana kung may lablayp sya ayusin hindi yun konting tampuhan parang big deal palagi.. nakakapagod din kasi maging absorber no? gusto ko nga ipagsigawan sa kanya na buti ka pa nga may lablayp eh ako? SINGLE!

Eto pa.. umaarangkada ang career may kinikita kumakain naman ng tatlong beses sa isang araw ang dami pa ding reklamo, kesyo ganyan, ganon.. stop it wait a minute kapeng mainit! Meron iba dyan na hirap na hirap kung saan kukuha ng kakainin sa araw araw, susweldo nga pag dating ng sahod pambayad naman lahat sa utang walang natitira.  Pambaon pa ng mga anak nyang anim.. Hindi ba mas nakaka praning yun  tapos yung bahay eh butas butas , kapag umulan baha agad, madaming daga sa kisame kung mamalasin ka pa makakagat ka pa ng daga sa daliri. Kahit gusto mo ipagawa yun bahay wala ka magawa kasi kapos ka sa pera wata!

Kung siguro ikikwento ko dito yun pinagdaraanan ko ngayon baka mapraning na kayo.. Pero hindi ko ikukwento ayaw ko kasi malipat yun burden sa inyo haha.. nakakatuwa ang tao bakit kaya ganon ang daming reklamo hindi nila alam may mas mabigat pa yun pinag dadaanan kaysa kanila. Paano ko ba nahaharap lahat ng mga dinadala ko? Simple pinapabuhat ko sa iba.. ang bigat bigat na kaya alangan naman pilitin kong buhatin, kapag hindi kaya magpatulong diba?

Paano kung walang tumutulong ?

  1. Unang ginagawa ko umiyak.. ang hirap kasi kung magkukunwari kang okey ka lang pero deep inside you malapit ka nang sumabog, hindi nakakababa ng pagkatao ang umiyak, it only shows na strong ka kasi hindi ka takot ipakita na naiiyak ka din, na may kahinaan ka din.
  2. Nagdadasal ako… kung hindi mo na kaya pwede mong ipaubaya sa itaas yun… tyak SYA may magagawa just keep up the faith 🙂
  3. Nagpapasalamat sa Panginoon sa mga binabato nyang pagsubok, kasi pinagkakatiwalaan nya akong i handle yun mga ganon kabigat na probs meaning He trust me na makakaya ko iyon.. pero kapag medyo nabibigatan ako sasabihin ko  Lord di ko na kaya helping me naman please.. kung hindi man kinabukasan yun sagot.. siguro sa ibang araw.. pero malakas ako sa kanya kasi may sagot agad Sya sa akin hindi pa inaabot ng kinabukasan kasi naniniwala ako na matutulungan nya ako, ewan ko lang kapag lablayp ang pinaguusapan 😆  sabay ganon!
  4. I smile. Kasi kung sisimangot ako at aawayin ko lahat ng mga nakapaligid sa akin , malamang lumayo ang tao saken at komonti ang kaibigan ko. Unlike kung naka smile ka dadami pa admirer ko kasi i have a killer smile daw ahek sabay ganon.
  5. Nagpapaganda ako.. kapag napapraning ako nagpapagupit ako, o di kaya nag aayos ng mukha. Therapy ko yun pagkatapos ay nag pipicture ng bonggang bongga.. dun kasi ako sumasaya.. kaya kung ano yun nakapag papasaya sayo iyon ang gawin mo para hindi ka tumanda sa kakaisip ng problema mo.

27
Jan
10

Bedtime stories

Kung papipiliin ako kung ano ang pinaka gusto kong bahagi ng bahay ang pipiliin ko ay ang bedroom ko. At wala na kong karapatan palang mamili dahil ang tinitirahan ko pala ay buong bedroom toinks.

Sa aking bedroom nagagawa ko lahat ng gusto kong gawin lalo na pag nagiisa ako, nakikinig ng music habang nagsusulat sa papel ng kung ano anong pumapasok sa isip ko. Ang bedroom ko ang saksi kapag umiiyak ako, naiinis ako o nakangiti mag isa pag naiinspire. At syempre sya lang din ang saksi kapag nagbibihis ako pwera nalang kung may naninilip saken 😆 . Close kami ng bedroom ko dun lang ang place na natatahimik ako…pangalawa ang comfort room 😆

Mahilig kasi ako matulog kaya kapag galing sa trabaho ko ang bed ko ang unang takbuhan ko para makapag pahinga. Kung di nyo naitatanong isa sa hilig kong gawin ay matulog kapag walang ginagawa.

Bakit?

Sa pagtulog lang kasi ako natatahimik pwera nalang kung naglalakad ka matulog pero hindi naman ako naglalakad matulog actually behave nga ko matulog.

Paano ako matulog?

Hmmm ganito yun…

  1. LIGHTS OFF PLEASE! Wag kanang mag ano ano pa dyan basta ayaw ko ng may ilaw pag natutulog ako. Para kasing may nakatingin sayo.. at talaga ayaw ko ng liwanag pag natutulog ako. Hindi mo ako mapapatulog ng maayos nun.
  2. Syempre dapat nakapikit 😆
  3. kelangan marami akong pillow. Sa bed ko 6 ang pillow ko, 4 na magic pillow, tapos isang purong bulak na ginagamit kong unan sa ulo paborito ko yun at isang body pillow halos kasing laki ko lang. Kelangan yakap yakap ko talaga yung body pillow na yun kung san direksyon man ako maharap.
  4. Kelangan may kumot. Kahit mainit, kahit tanghaling tapat kelangan talaga nakakumot ako kahit sa loob ng kumot eh di na ko mag damit 😆 basta dapat naka kumot ako .
  5. Mas maganda kung may music habang natutulog . Nagigising ako ng alas dos para patayin ang radyo paano ba naman kasi panay ilocano ang tugtog pag ganoong oras.
  6. Syempre dapat naka kulambo ako. Yung telang kulambo parang prinsesa lang 😆 Bakit kelangan ng kulambo? Ang daming lamok at ipis sa amin … ang skin ko manganganib.
  7. At mahilig akong dumapa, tumagilid pero di ako nakakatulog ng nakatihaya. Laging nakasubsob ang mukha ko sa unan.
  8. Dati pala kelangan nakahawak ako sa dede ng nanay ko pag natutulog… pero simula ng paluin ng lola ko ang kamay ko nang minsan nag tabi kami.. hayss dina ko humahawak… at ngayon grown up nako?? wag ka na. 😆

Gusto mo makita bed ko?? Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Bedtime stories’

27
Aug
08

Kikay ako

Isa siguro sa mga namana ko sa nanay ko ay ang pagkahilig sa make-up. Nag simula akong ma aliw sa make-up noong isali ako ng nanay ko sa binibining lakambini noong ako ay grade one pa lang naks! At least nasali din ako noon, di pa kasi ako gaanong malusog noon. Nadaan sa pera, kasi pera ang labanan noon eh hehe. Nanalo nga ako noon at mayroong coronation night. Natandaan ko inaayusan ako ng mga bakla noon. Naaliw ako kasi doon ko nalaman maganda pala ako 😉

Lagi kong pinag lalaruan ang mga make-up ng nanay ko noon halos mapalo pa nga ako kasi nasisira na yun iba sa kakalaro ko. Siguro bilang bata naaaliw lang ako sa ibat- ibang kulay noon, kaya pag may program sa school at ako ang  emcee o kasali ako sa progrram noon elementary days, tinatakas ko ang make- up ng nanay ko, tapos inaayusan ko yun mga classmate ko,  kailangan talaga na ka make-up ako.

Aliw na aliw ako kasing tignan ang nanay ko habang naglalagay ng maskara sa mata at kinukulot nya ang mga pilik mata nya. Gandang ganda kasi ako sa nanay ko noon. At nakalakihan ko na nga ang pagka hilig sa mga pang paganda. Pero hindi naman ako nagmamake up sa school noon bata pa ako hanngang nag college, kasi mahiyain nga ako. Saka ayaw kong napapansin ako ng tao. Occasionally lang.

Nang nagdalaga na ako, late bloomer kasi ako college days, baby powder lang pinapahid ko sa mukha ko saka konti tinta ng lipstick. Kung sinisipag naman ako nag lalagay ako ng mascara sa pilik mata at kinulot ko iyon, saka pabango.

Nang magkaroon na ako ng sarili kong pera dahil may trabaho na ako. Doon ako nahilig bumili ng kung ano ano. Syempre secretary ako noon kailangan presentable ako kaya napakinabangan ko din ang pag kahilig ko sa make-up. Ang laman ng bag ko?

  1. Curler – ito po yun bakal na pang kulot ng lashes , kung hindi masyado nabiyayaan ng kulot na pilik mata. Pwede naman natin kulutin nito pansamantala.
  2. Mascara – ito po yun liquid na pinapahid sa lashes para kumapal at ma enhance ang eyes. Pwede rin nya palakahin ang mata mo.
  3. Lip Gloss – para maging kissable lips, saka pinapalambot nya yun lips natin.
  4. Blusher/blush on – naeehance nito ang cheekbone natin, kung pale ang mukha mo, maglagay ka lang ng konting blush on viola! glowing na ang skin mo at pinkish pa. Dati mahilig ako maglagay ng blush sa mukha ko kasi naeenhance nga nya ang cheek bone ko kaso tinitigyawat ako kaya medyo iniiwasan ko na sya.
  5. Eyebrow pencil – manipis kasi ang kilay ko, kaya minsan naglalagay ako ng eyebrow para magkakilay ako.
  6. Lip Liner – Para ma enhance din ang shape ng lips ko.

Yan lang ang kadalasang ginagamit ko, hindi ako nag lalagay ng foundation kasi ayoko magmukhang aswang. Pero nasa tamang paggamit lang naman ang pagmamakeup eh. Depende sa pag lagay. Dapat pag maglalagay ka eh mukhang natural pa rin hindi sobrang kapal. Gumagamit ako ng make up para ma enhance lang yung beauty ko . Kasi lahat ng sobra pangit na.

Ewan ko kung may psychological reason ito, pag na de depressed ako, pinag lalaruan ko ang mukha ko, nag ma makeup ako, sa bahay nga lang. Basta depende, pag sinisipag ako nag aayos ako. Minsan gustong gusto ko rin ayusan yun mga friends ko.. hanggang ngayon na aaliw pa din ako sa ibat ibang kulay nya, at nagiginhawaan akong tignan yun mukha ko pag naayos ko iyon. Hindi naman siguro kaartehan ang pag mamakeup gusto ko lang pagandahin pa ang gift na bigay ni papa God sa akin. At ma ishare din ang mukhang iyon sa mga tumitingin sa akin 😉

Ahmm na tag nanaman pala ako ni ate sonneth dito sa entry na ito ang tawag dito make-up essentials

Ang aking itatag uli ay sina

1. Wifeybee– miss ko na kasi sya!

2. Sommer uli – kasi tingin ko kikay din sya

3. Ako ito – Curious lang ako kung ano ang beauty secret nya

4. ifoundme -hindi pa kasi kita natatag 😉

Kayo anong laman ng kikay kit nyo?




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 592,695 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers