Archive for the 'adik lang' Category

06
Jul
15

Byahe

Ilang taon na rin akong naghihintay at nag aabang, merong mga byahe na nasubukan matagtag, kaskasero at mabagal. Hindi mo naman talaga mapipili, magtyatyaga ka doon kung iyon ang napili mong sakyan hanggang makarating ka sa patutunguhan mo, kapag hindi ka nasiyan bumaba ka, meron naman mga driver na binababa ka kasi hindi kayo magkasundo sa presyo o nalalayuan sya o kaya cutting trip ipamimigay ka sa iba dahil hindi na nya kaya pang magpatuloy sa byahe nyo.

Nasa terminal pa rin ako. Naghihintay nag aabang, masusi kong tinitignan iyong mga paparating. Hindi naman ako mapili sadyang maingat lang kasi gusto ko maging comportable sa byahe, ngunit may mga panahon na kailangan kong magmadali kasi baka mahuli na ako sa byahe ko , kaya kung sino nalang dumating doon sumasakay.. akala ko okey yun pala hindi.. Minsan nakakasakit.. hindi mo alam kung paano ka makakarating sa paroroonan mo.

Magpapakatatag … iyon naman ang laging dapat gawin.. maging matibay ang mga binti sa pag aantay ng panibagong byahe, minsan magpahinga kapag napapagod.

ano bang magagawa kundi maghintay nang mas maayos, malay mo matimingan ko rin iyong hindi puno.

 

“Love happens… when the stars align and two people have open hearts – fate and destiny take over and the rest is history.”

Happy 7th Anniversary pala sa Lambing lang ang katapat mo! Salamat sa mga napapadpad, salamat sa mga mambabasa ko na natuwa, naiyak at natulungan ng blog ko. Magsusulat pa rin ako hindi nga lang madalas pero kapag nasagot yun prayers ko madadalas na akong magsulat.

 

Advertisements
26
May
15

Kung Tayo

Inspired by forevermore 🙂

Una sa lahat Kung Tayo ako na siguro yung pinakamasayang tao sa balat ng lupa ( medyo oa pero masaya sa pakiramdam yun)

Kung tayo… araw araw ko sa iyong ipadarama kung gaano ako kasaya at nakilala kita.

Kung tayo …ipagluluto kita ng paborito mong kainin.. name it, kung di ko alam lutuin andyan naman si google.

Kung tayo… itetext kita ng good morning at good night 🙂 para maramdaman mo na ikaw ang iniisip ko sa pag gising at pag tulog ko.

Kung tayo … Hindi kita ikakahiyang ipakilala sa lahat ng kakilala ko sorry nalang at wala na akong mudra at fudra pero ipakikilala pa rin kita sa close friends ko at family sasabihin ko eto na sya oh!

Kung tayo … Hindi ako mahihiyang tawagan ka para tanungin kung kamusta na ang araw mo? ok ka lang ba andito lang ako kung kailangan mo nang kausap , kalambingan ganyan.

Kung tayo … Kapag kasama kita hindi ako mahihiyang titigan ka at sabihin sayo na ikaw ang pinaka gwapo sa paningin ko.

Kung tayo … Napaka swerte mo kasi napakarami kong gustong gawin na di kayang ipaliwanag ng salita, ang aking naguumapaw na nadarama para sa iyo.

Kung tayo… magpapasalamat ako sa iyo at hindi ka tumigil para mapasaya ako, na hindi ka sumuko sa akin  alam ko magulo ako pero salamat at nandyan ka.

Kung tayo… syempre i kikiss at hug kita ng mahigpit 🙂

Kung tayo matatahimik na siguro itong puso kong naguguluhan, kung aatras ba ako o aabante?

Kaso hindi…

Kaya mamahalin ko nalang ang sarili ko…. para buong buo ko na maibibigay ang puso ko sa susunod na tanungin mo uli ako ng walang takot at kaba.

30
Jun
14

boom!

Kailan ko nga ba ulit naramdaman ito? Iyong tipong sa bawat paghinga mo ay puno ng  masasaya at magagandang bagay, may kinang ang mga mata, matamis ang mga ngiti. Ang sarap palang maging masaya uli medyo nakalimutan ko na ang mga ganong damdamin kaya ngayong nararamdaman ko nanaman ito ine enjoy ko nalang.

Palaging parang nasa ulap kapag nakikita sya, kinakapos ang hininnga kapag kausap na, shocks bumabalik yata ako sa pagka teenager. Nag ba blush ako sa twing tinititigan ako anubey… Ganda gandahan lang ang peg eh kinikilig ako bakit ba kase.  Hindi naman araw araw mararamdaman mo ang mga ganitong pakiramdam once in a blue moon ika meron ka talagang x factor kapag tinamaan mo ako ng ganto.

Ano bang masasabi ko? Gusto ko lang ngumiti ng bonggang bongga. May kras na ulit ako 😆 Hindi ako inlab inspired lang ako 🙂 Yung feeling na halos lahat nalang ng kanta nakakarelate ka pati commercial mukha nya nakikita ko wapak.. o ako na..ang korny ko nanaman …  kasalanan kase nitong kanta na ito eh!

27
May
13

choice

no one falls in love by choice, it is by chance. no one  stays in love by chance, it is by work.  and no one falls out of love by chance, it is by choice.

choice

Sabi nila falling inlove is by chance, falling out of love is by choice. Ansabe?? Ang sarap ng feeling na pareho nyong mahal ang isa’t isa. Wala na sigurong sasarap pa sa pakiramdam na gigising ka tuwing umaga na alam mo anu’t anu pa man may taong nagmamahal sa iyo.

Ang sarap sa pakiramdam kapag may isang tao na nagparamdam sa iyo na sa lahat ng kakulangan mo buo pa rin ang tingin sa iyo, iyong taong nagapapaganda ng paligid mo at nagsasabing ikaw ang pinaka maganda para sa kanya. Kung baga sa lahat ng kakulangan mo para sa kanya ikaw ay perfect isang mamahaling bato. Isang pakiramdam na napakahirap pakawalan.

Bakit kasi ang gulo ng earth. Hindi ba pwedeng mahal nyo nalang ang isa’t isa okey na iyun? Sapat na.. happy ending na. Pero kung bakit masaya na kayo ang dami pang sumisingit.. nakakabaliw, nakakatimang, nakakawala ng katinuan sa isip .. nakaka lurkey!

Masarap magmahal.. nakakabago ng pananaw sa mundo, nakakabago ng buhay, nakakapag paganda, nakakabata.

Maraming beses na akong nadapa. May mga dumampot at pinagpag ako pero sa huli ay bibitiwan din dahil may mas pinili silang pulutin kaysa sa akin. Lagi nalang ganun, pero lagi kong dasal na sana… sana may dumating na ako naman ang pipiliin ako yung  choice…

God knows who belong in your life and who doesn’t..

TRUST AND LET GO..

Who ever is meant to be there.. will still be there..

02
Feb
13

matapang ka ba?

Ang pagiging matapang o pagiging matatag ay nakakapagod din. Minsan kailangan din ng pahinga, karamay… Buti nalang andyan si Bosing laging karamay ko , mahirap maging matatag kase akala ng tao dahil matibay ka o matapang ka hindi mo na sila kailangan.

Minsan yung mga matatapang iyon ang mga nangangailangan ng karamay kase sila yung tinatakbuhan ng mga mahihina para pag kuhanan ng lakas,  pero minsan nauubusan din ng lakas kase walang sumasalo sa kanila kapag sila ang nangangailangan.

Ang maganda nito laging may lakas na nanggagaling sa itaas, isang panalangin at paniniwala na pagkatapos mong pang hinaan makakapag pahinga ka rin at bukas mas maraming baon na lakas at tapang  na ibibigay nya para sa hamon nang buhay na pwede mong ibahagi para sa mga ibang nanghihina.

Gusto ko lang i share yun quotes galing sa pinsan ko..

 

Our best stories will come from our struggles. The seed of our success are in our failures. Our praises will be born from our pains. Keep standing and remain strong!  A storm doesn’t last forever; seasons change and GOD IS ALWAYS IN CONTROL 🙂

05
Jan
13

ilog

May isang ilog sa di kalayuan, nahalina akong mag tampisaw, noong una natakot ako pero gusto ko talaga ang nakakahalinang agos ng ilog na iyon. Una hinakbang ko ang paa ko malamig , at tuluyang lumubog sa tubig. May mga sumisigaw sa likuran ko” huwag kang tumuloy malalim yan” sabi ko sa sarili ko kaya ko to marunong naman ako lumangoy ng kaunti.

Sa pagtatampisan di ko namalayan lumalakas ang agos.. patuloy akong inaagos ng tubig patungo kung saan.. mabato pa rin. Lumingon ako sa kanan nakakahalina pa rin magpaanod pero di ko alam kung saan ako dadalhin noon, natakot ako nang tumama ang tuhod ko sa may batuhan nagasgas, nagdugo.

Sabi ko sa sarili ko tama na, kailangan ko nang umahon medyo mahapdi na ang sugat ko dulot ng bato. Nilingon ko ulit ang ilog.. gusto ko pa rin lumusong doon pero hindi muna ngayon, nakakadala mag paagos di ko rin alam kung ligtas pa ako doon. Tatanawin ko nalang muna ang ilog sa ngayon hindi ko rin sisihin ang ilog dahil alam ko naman sa sarili kong ginusto ko rin yun.

Maraming ilog dyan na pwedeng pagtampisawan dyan, mas kumportable lang ako dun sa ilog na malapit sa amin, nagmadali kasi ako hindi ko muna natantya kung gaano kadelikado doon. Pero syempre sa susunod alam ko na.

 

 

27
Aug
12

Kung bakit ayaw ko magsugal

Una sa lahat ayaw ko magsugal dahil nakakapraning umasa.

Ayaw ko magsugal dahil mahirap manalo sa sugal.

Kailangan mong tumaya ng tumaya para manalo ka.

Paano kung wala ka nang itataya?

Ayokong magsugal dahil ibig sabihin nun may uuwing talunan

Kung hindi ako ang talo may taong matatalo.

Dahil sa sugal hindi naman lahat panalo.

Mahina rin ang loob ko..

Mas gusto kong nakukuha ang isang bagay na hindi naiidadaan sa isang sugal.

Sigurista ba ako? Medyo, hindi lang ako naniniwala sa swerte. Mas naniniwala ako sa pag papala.

Ayoko na sumugal, hindi ko forte ito.

Ayoko na umasa. Nakakapraning. Nakakatimang

” Kapag nag text ka para na ako nanalo sa Jueteng, di lalo na pag tumawag ka para na akong nanalo sa lotto , pero paano ako mananalo eh mauubusan na ako ng pantaya, ngunit sa kabilang banda bakit gusto kong tumaya? Isa lang ang sagot ko.. dahil “ikaw ang premyo” .




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,493 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers