Sabi nila ang mga pulis daw ay babaero. Ewan ko ba siguro, pero malakas ang dating sa akin ng mga pulis. Siguro dahil matipuno sila. Feeling ko kaya akong ipag tanggol. Isa pa rin akong hopeless romantic na nangangarap na one day may may magtatangol sa akin.
Para saan ba ang pagtatanggol? Kakapanuod ko ng probinsyano mukhang napapamahal sa akin ang mga pulis. ( Sya nga pala isinulat ko ito noong 2015 pa kaya may probinsyano pa noon hihi )
Ang tagal na rin nabakante nitong puso ko. Akala ko di na titibok ulit. Pero nong una baba nya sa sasakyan ng mga pulis hayyy wala lang. Basta natatandaan ko sya noon nakaputi saka naka shorts. Lumapit sila sa akin nagpagawa ng tarpauline. Simula noon binalikbalikan na nya ako.
Bigla nalang gumanda ang paligid ko. Ang sarap magmahal ulit. Ang sarap ng feeling na sinusuyo ka. Ang sarap maging babae ulit. Nakakaganda promise 🙂 Yung mata ko nagsimula nanaman magningning.
Alam ko namang pihikan ako, pero ewan ko ba bakit pag dating sa kanya taob ang pagka suplada ko. Ikaw ba naman ang dalawin sa pwesto mo kahit walang ipapagawa magpapa recopy ng id picture sa akin ayan tuloy meron na syang picture sa akin.
Magpapaload pa kunwari yan para makuha ang number ko pero hindi nya makukuha kase digital yun ginagamit ko. Kaya sa huli hiningi nya na ang number ko eto naman si marupok ibinigay and the rest is history.
Update? kami pa rin at sana hanggang sa huli.
nag comments na may Lambing